22 “How great you are, Sovereign Lord! There is no one like you, and there is no God but you, as we have heard with our own ears. 23 And who is like your people Israel—the one nation on earth that God went out to redeem as a people for himself, and to make a name for himself, and to perform great and awesome wonders by driving out nations and their gods from before your people, whom you redeemed from Egypt? 24 You have established your people Israel as your very own forever, and you, Lord, have become their God. (2 Samuel 7:22-24 NIV)
Paliwanag
Madalas nagkakaroon tayo ng worry kasi iniisip natin ang kinabukasan at alam natin na hindi natin hawak ito. Ang worry ay maaaring magdulot ng depression, kahinaan ng loob, o kaya minsan ay yung palagiang pagsasaya para lamang makalimot sa worry. Ang tunay na solusyon sa worry ay yung tiwala natin sa sovereignty ng Panginoon. Ito may kinalaman sa Kanyang pagiging makapangyarihan upang tuparin ang Kanyang mabubuting layunin para sa atin. Kapag ganito ang nasa puso at isip mo, hindi ka magiging tuliro o balisa. Alam mo kasi na may plano ang Diyos at mabuti ito, at tutuparin Niya ito ayos sa Kanyang kalooban. Kaya, magkakaroon ka ng kapayapaan sa puso mo. Mabubuhay ka nang simple at matiwasay, dahil alam mo na ang Diyos ang may hawak ng iyong kinabukasan, kasama ng iyong pamilya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (2 Samuel 7:18-29).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang madalas na nagiging sanhi ng worry mo sa iyong buhay?
2. Sa paanong paraan makakatulong ang katotohanan na may plano ang Diyos para sa iyo na mabuti at ito ay Kanyang tutuparin ayon sa Kanyang kalooban?
3. Pansinin mo kung paano ka nabubuhay sa araw-araw. Nagpapahiwatig ba ito ng pagtitiwala sa sovereignty ng Panginoon? Ano ang dapat mong gawin para baguhin ito ayon sa kalooban ng Diyos?
Tandaan: Tanging kapangyarihan lamang ng Panginoon ang maaari magbigay ng kasiguruhan para sa kinabukasan. (“Only God’s sovereignty can give us security.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????
Paano gumawa ng Online Share Groups:
1. Manalangin sa Panginoon patungkol dito.
2. Mag-imbita ng mga kakilala at sabihin mo sa kanila na nais mong mag-umpisa ng Online Share Groups.
3. Kapag pumayag sila, magkasundo sa oras ng inyong pagtitipon online.
4. Kopyahin at ibigay ang link na ito ( https://rlcc.ph/devotional) sa kanila para mapakinggan nila ang daily devotional bago kayo magkita.
5. Magkita kayo online at pag-usapan ang inyong napakinggan gamit ang mga discussion questions. Ito ang gawin ninyong agenda: Eat Together, Share Together, at Pray Together (ESP Together).
For previous episodes, visit the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccphil
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil