24 “Very truly I tell you, whoever hears my word and believes him who sent me has eternal life and will not be judged but has crossed over from death to life. 25 Very truly I tell you, a time is coming and has now come when the dead will hear the voice of the Son of God and those who hear will live. 26 For as the Father has life in himself, so he has granted the Son also to have life in himself. 27 And he has given him authority to judge because he is the Son of Man. (John 5:24-27)

DAILY DEVOTIONAL (3-5-2021)

24 “Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi nakatawid na siya sa buhay mula sa kamatayan. 25 Pakatandaan ninyo na darating ang oras, at ngayon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at ang sinumang makinig sa kanya ay mabubuhay. 26 Kung paanong ang Ama mismo ang pinagmumulan ng buhay, gayon din naman ang Anak na binigyan niya ng ganoong karapatan. 27 Binigyan niya ang Anak ng kapangyarihang humatol, sapagkat siya ang Anak ng Tao. (Juan 5:24-27)

Paliwanag

Maraming tao pa rin ang hindi nakakakilala kay Jesus at dahil rito hindi sila nananampalataya sa Kanya. Kailangan makilala nila si Jesus nang lubusan. Dahil ang pagkakilala nila kay Jesus ay maaari humantong sa kaligtasan o sa pagtanggi. Kung sila ay mananampalataya kay Jesus, sila ay maliligtas ngayon mismo. Mararanasan nila ang pagpapala ng kaligtasan ngayon pa lang habang sila ay nabubuhay. Ngunit kung tatanggihan nila si Jesus, sila ay makakaranas ng paghuhukom ngayon pa lang habang sila ay nabubuhay. Napakahalaga ng tamong pagkakilala kay Jesus na dapat humantong sa pananampalataya sa Kanya.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Juan 5:16-30).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Ano ang madalas na pagkakilala ng mga tao kay Jesus? Sapat na ba ito?

2. Ano ang tamang pagkakilala kay Jesus at pananampalataya sa Kanya na maaari humantong sa tunay na kaligtasan?

3. Bakit mahalaga na malaman ng mga tao ang katotohanan patungkol kay Jesus ngayon?

Main Idea: “Ang pagkakilala natin kay Jesus ay maaari humantong sa kaligtasan o sa pagtanggi.” (“Our perception of Jesus will either lead to salvation or rejection.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

For previous episodes, check out the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccphil
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS
6. RLCC on Audible by Amazon - https://www.amazon.com/RLCC-Daily-Devotional/dp/B08K59N987 #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil