Isa sa mga masakit na maaaring maranasan ng tao ay ang iwanan. Ito mismo ay naranasan ng ating Panginoon Hesukristo noong siya ay nabubuhay pa. Sa mga panahon na atin itong nararanasan, alalahanin natin na may Diyos tayong hindi nangw iiwan. Siya ay palaging nandiyan, kasama natin sa buhay.