Bago natin pakialaman o usisain ang buhay ng may buhay, mas mainam na tinginan muna natin at husgahan ang ating sarili. Ang ebanghelyo ngayong araw ay isang pahiwatig at paala-ala sa ating mga taga-sunod ni Kristo na mainam na magkaroon muna tayo ng kaalaman sa ating sarili ng maiwasan natin ang manghusga ng ibang tao.