Ayaw po nating matawag na ipokrito! Ano ba ang isang ipokrito sa pananampalataya? Siya ay isang tagasunod na hindi tugma ang paniniwala sa kanyang isinasabuhay. Huwag sanang maging palabas lamang ang ating pananampalataya, bagkus, maging buhay na patotoo sana ang ating buhay sa kagandahang loob ng Diyos.