Ang katotohanan ay, ninanais ng Panginoon na lagi ka niyang makapiling. Patuloy ang pagtawag Niya sa atin upang makiisa sa kanyang banal na piging noon at ngayon. Sa Lumang Tipan, isinugo niya ang mga propeta upang tawagin ang mga taong magbalik-loob sa kanya, ngunit ang mga ito ay kanilang pinagpapatay; sa Bagong Tipan, isinugo naman niya ang kanyang Bugtong na Anak, si Hesus, ngunit siya rin ay pinatay!

Sa moderning panahon, patuloy pa rin ang kanyang pagtawag sa atin upang magbalik-loob sa kanya. Ang tanong ay, nakahanda ka ba?