Walang ibang daan pataas kundi ang kababaang loob. Ito ay malinaw na naipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod. Ang pagsisilbi ay isang pamana na iniwan sa atin ng ating Panginoong Hesukristo. Siya na Diyos, ay nagkatawang tao at nagsilbi sa tanan.

Magsilbi kahit saan, ano mang oras o panahon. Tayo ay tinawag sa bokasyon ng paglilingkod bilang ating tugon sa Diyos na patuloy na umaaruga sa atin.