In their hearts humans plan their course, but the Lord establishes their steps. (Proverbs 16:9)

Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad. (Kawikaan 16:9)

Paliwanag

Mahalaga na matutunan natin kung paano magdesisyon sa buhay. Madalas ito ang nagiging sanhi ng frustration sa maraming tao dahil hindi nila alam kung paano magdesisyon nang tama. Binigyan tayo ng Panginoon ng kakayanan upang magplano at ipatupad ito. Ngunit, kinakailangan rin na gawin natin ito nang tama, ayon sa Kanyang karunungan o wisdom. Huwag tayo basta-basta lamang magdesisyon, lalo na kung ito ay mahalaga sa ating buhay. Ganun pa man, hindi rin naman tama na matakot tayo sa pagdedesisyon. Kailangan magtiwala tayo sa Diyos na gagabayan Niya tayo sa ating pagdedesisyon. Siya ang may kapangyarihan na ituwid ang ating patutunguhan ayon sa Kanyang kalooban.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Kawikaan 16:9).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Bakit nahihirapan ang marami pagdating sa pagdedesisyon sa buhay?

2. Ano ang natutunan mo sa Kawikaan 16:9 na maaari makatulong sa iyong pagdedesisyon?

3. Anong mahalagang desisyon ang hinaharap mo ngayon kung saan maaari mong gamitin ang natutunan mo ngayon?

Tandaan: Magplano nang may karunungan at magtiwala sa Diyos para sa katuparan. (“Plan with wisdom and trust God for the outcome.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

Paano gumawa ng Online Share Groups:

1. Manalangin sa Panginoon patungkol dito.
2. Mag-imbita ng mga kakilala at sabihin mo sa kanila na nais mong mag-umpisa ng Online Share Groups.
3. Kapag pumayag sila, magkasundo sa oras ng inyong pagtitipon online.
4. Kopyahin at ibigay ang link na ito ( https://rlcc.ph/devotional) sa kanila para mapakinggan nila ang daily devotional bago kayo magkita.
5. Magkita kayo online at pag-usapan ang inyong napakinggan gamit ang mga discussion questions. Ito ang gawin ninyong agenda: Eat Together, Share Together, at Pray Together (ESP Together).

For previous episodes, visit the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccph
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil