7 Do not be deceived: God cannot be mocked. A man reaps what he sows. 8 Whoever sows to please their flesh, from the flesh will reap destruction; whoever sows to please the Spirit, from the Spirit will reap eternal life. 9 Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up. 10 Therefore, as we have opportunity, let us do good to all people, especially to those who belong to the family of believers. (Galatians 6:7-10)

7 Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan. 9 Kaya’t huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10 Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya. (Galacia 6:7-10)

Paliwanag

Magkakaroon lamang ng tunay na pagsasamahan kay Cristo kung ang bawat isa ay natututo kung paano mamuhay ayon sa Espiritu. Kapag tayo ay namumuhay ayon sa ating sariling kakayanan (o ayon sa laman), ito ay hahantong lamang sa paghihiwalayan. Walang relasyon na tatagal, kapag kasalanan ang umiiral sa atin. Piliin natin mamuhay ayon sa Espiritu at makikita sa atin ang bunga nito. Magkakaroon ng pag-iibigan kapag si Cristo ang nasa kalagitnaan. Kabutihan ang ating aanihin kapag ayon sa pagkilos at gabay ng Espiritu tayo ay namumuhay.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Galacia 6:1-10).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Gusto ng marami na magkaroon ng magandang samahan. Ngunit bakit hindi ito nangyayari? Bakit humahantong sa awayan o paghihiwalayan?

2. Ayon kay Pablo, kinakailangan na maunawaan natin ang Mabuting Balita at kung paano mamuhay nang ayon sa Espiritu para magkaroon nang mabuting samahan ang mga Kristiano. Bakit?

3. Paano mo maipapatupad ang katotohanang ito sa iyong buhay?

Tandaan: Posible lamang ang samahan kay Cristo kung tayo ay nabubuhay sa Espiritu. (“Christian community is possible only through our healthy spirituality.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

Paano gumawa ng Online Share Groups:

1. Manalangin sa Panginoon patungkol dito.
2. Mag-imbita ng mga kakilala at sabihin mo sa kanila na nais mong mag-umpisa ng Online Share Groups.
3. Kapag pumayag sila, magkasundo sa oras ng inyong pagtitipon online.
4. Kopyahin at ibigay ang link na ito ( https://rlcc.ph/devotional) sa kanila para mapakinggan nila ang daily devotional bago kayo magkita.
5. Magkita kayo online at pag-usapan ang inyong napakinggan gamit ang mga discussion questions. Ito ang gawin ninyong agenda: Eat Together, Share Together, at Pray Together (ESP Together).

For previous episodes, visit the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccph
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil