13 For you created my inmost being; you knit me together in my mother’s womb. 14 I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well. (Psalm 139:13-14)

DAILY DEVOTIONAL (1-29-2021)

13 Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata. 14 Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito’y nakikintal. (Awit 139:13-14)

Paliwanag

Maraming bagay at maraming tao ang maaari magbigay sa atin ng pagdududa sa ating tunay na pagkatao at kahalagahan. Maging tayo mismo ay maaari rin magbigay ng pagdududa sa ating sarili. May saysay ba ang ating buhay? Meron ba ito katuturan? Tayo ba ay walang silbi at walang kahalagahan sa mundong ito? Kung ang pagbabatayan natin ay ang ating karanasan, o opinyon ng mga tao sa ating paligid, maaari nga na ito ang maging konklusyon natin. Ngunit totoo ba ito? Ang tunay na pagkatao at kahalagahan natin sa mundo ay ayon lamang sa Diyos at sa pagtingin Niya sa atin. Kung sa Kanya tayo magtitiwala, malalaman natin ang tunay na pagkatao at kahalagahan natin sa mundong ito.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 139:1-24).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Ano ang nagiging resulta kapag ang tingin ng isang tao sa kanyang sarili ay wala siyang kwenta?

2. Ano ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa atin mula sa Awit 139:13-18? Ano ang kakaibahan nito sa sinasabi ng mundong ito tungkol sa atin?

3. Ano ngayon ang magiging pagtingin mo sa iyong sarili bunga ng sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa iyo?

Tandaan: “Ang tunay na pagkatao at kahalagahan mo ay nasa Panginoon lamang.” (“Your true identity and worth can only be found in God alone.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

Paano gumawa ng Online Share Groups:

1. Manalangin sa Panginoon patungkol dito.
2. Mag-imbita ng mga kakilala at sabihin mo sa kanila na nais mong mag-umpisa ng Online Share Groups.
3. Kapag pumayag sila, magkasundo sa oras ng inyong pagtitipon online.
4. Kopyahin at ibigay ang link na ito ( https://rlcc.ph/devotional) sa kanila para mapakinggan nila ang daily devotional bago kayo magkita.
5. Magkita kayo online at pag-usapan ang inyong napakinggan gamit ang mga discussion questions. Ito ang gawin ninyong agenda: Eat Together, Share Together, at Pray Together (ESP Together).

For previous episodes, visit the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccph
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil