I waited patiently for the Lord ; he turned to me and heard my cry. He lifted me out of the slimy pit, out of the mud and mire; he set my feet on a rock and gave me a firm place to stand. (Psalms 40:1-2)

DAILY DEVOTIONAL (2-16-2021)

1 Sa Diyos na si Yahweh, mat’yagang naghintay, ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan; 2 sa balong malalim na lubhang maputik, iniahon niya at doo’y inalis. Ligtas na dinala sa malaking bato, at naging panatag, taglay na buhay ko. (Awit 40:1-2)

Paliwanag

Maraming pagsubok ang dumarating sa buhay natin. Ngunit hindi nauunawaan ng ilan sa atin na ito’y bahagi ng ating pagsasanay espirituwal bilang mga anak ng Diyos. Ang mga kagipitan na ating nararanasan ay pagkakataon lamang upang matuto tayo na magtiwala sa Panginoon. Tulad ni David, at ganun rin si Jesus, kinakailangan na matuto tayo na manalig sa Panginoon kahit sa gitna ng mahirap na situwasyon. Tutulungan Niya tayo kung pipiliin natin na magtiwala sa Kanya. Ayon sa Kanyang kabutihan at katapatan, tayo’y diringgin Niya. Ililigtas rin Niya tayo sa ating kagipitan ayon sa Kanyang kaparaanan at sa tamang panahon. Magtiwala lamang tayo sa Kanya.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 40:1-17).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Ano ang madalas na ginagawa ng mga tao kapag sila ay dumaraan sa kagipitan?

2. Ano ang dapat natin gawin kapag tayo ay nasa gitna ng kagipitan?

3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay simula ngayon?

Main Idea: “Sa panahon ng kagipitan, ang Panginoon ang maaasahan para sa ating kaligtasan.” (“In times of trouble, we can entrust ourselves to God who is our deliverer.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

For current or previous episodes, visit the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccph
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil