In the Lord’s hand the king’s heart is a stream of water that he channels toward all who please him. A person may think their own ways are right, but the Lord weighs the heart. To do what is right and just is more acceptable to the Lord than sacrifice. (Proverbs 21:1-3)

DAILY DEVOTIONAL (2-23-2021)

1 Hawak ni Yahweh ang isip ng isang hari at naibabaling niya ito kung saan igawi. 2 Ang akala ng tao lahat ng kilos niya’y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso. 3 Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handog ang mga gawang makatuwiran at makatarungan. (Kawikaan 21:1-3)

Paliwanag

Bagamat nababanggit ng karamihan ang tungkol sa puso, marami ang hindi nakakaunawa kung gaano ito kahalaga, lalo na sa ating pagbabago. Ang puso natin ay ang sentro ng ating pagkatao. Dito nagmumula ang mga kaisipan at intensiyon natin, maging ang mga desisyon at aksiyon natin sa buhay. Kaya nga, ang pagbibigay ng atensiyon sa ating puso ay napakahalaga sa ating pagbabago. Ngunit hindi natin mabibigyan ng atensiyon ang ating puso kung masyado tayo abala sa maraming bagay. Kailangan matuto tayo na mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos para bigyan ng pansin ang ating mga puso.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Kawikaan 21:1-3).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Ano ang pagkaunawa ng karamihan patungkol sa puso?

2. Bakit mahalaga na bigyan natin ng sapat na atensiyon ang kalagayan at nilalaman ng ating puso?

3. Paano mo ipapatutupad ang katotohanan na ito sa buhay mo simula ngayon?

Main Idea: “Ang pagbigay ng atensiyon sa iyong puso ay susi sa pagbabago.” (“Paying attention to your heart is the key to transformation.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

For current or previous episodes, visit the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccph
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil