Righteousness guards the person of integrity, but wickedness overthrows the sinner. (Proverbs 13:6)

DAILY DEVOTIONAL (3-15-2021)

Ang mabuti’y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama’y ipinapahamak ng likong pamumuhay. (Kawikaan 13:6)

Paliwanag

Ang mabuting pagkatao ay magdudulot ng mas magandang pamumuhay. Ang kasamaan ay walang maidudulot na maganda. Ngunit hindi ito nangyayari ng basta-basta. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa katuwiran at katuwidan ng Diyos, matututo tayo kung paano mamuhay nang may karunungan. Dahil rito’y hindi tayo mapapahamak dahil sa mga maling desisyon. Ngunit kapag pinili natin ang kasamaan, mapapariwara ang ating buhay.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Kawikaan 13:1-6).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Bakit mas gusto ng mga tao na piliin ang ikakapahamak nila kaysa ang mabuting hangarin ng Diyos para sa kanila?

2. Ano ang maaari magbigay sa iyo nang motibasyon para piliin ang mas matuwid na pamumuhay?

3. Ano ang gagawin mo na kakaiba sa mga darating na araw bilang pagpapatupad sa natutunan mo sa araw a ito?

Main Idea: “Mas maganda ang iyong magiging buhay kung pagsusumakitan mo ang matuwid na pagkatao.” (“Life will be better if you choose to pursue a godly character.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

For previous episodes, check out the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccphil
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS
6. RLCC on Audible by Amazon - https://www.amazon.com/RLCC-Daily-Devotional/dp/B08K59N987 #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil