DAILY DEVOTIONAL
2 Devote yourselves to prayer, being watchful and thankful. 3 And pray for us, too, that God may open a door for our message, so that we may proclaim the mystery of Christ, for which I am in chains. 4 Pray that I may proclaim it clearly, as I should. 5 Be wise in the way you act toward outsiders; make the most of every opportunity. 6 Let your conversation be always full of grace, seasoned with salt, so that you may know how to answer everyone. (Colossians 4:2-6)
DAILY DEVOTIONAL (4-7-2021)
2 Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. 3 Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon. 4 Ipanalangin din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw, gaya ng nararapat. 5 Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. 6 Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao. (Colosas 4:2-6)
Paliwanag
Ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita, o ang tinatawag natin na ebanghelismo (evangelism), ay magiging matagumpay lamang kapag tayo ay sama-sama at nagkakaisa. Bawat isa sa atin ay may tungkulin at pananagutan na makiisa sa gawain na ito. Ito ay isang prioridad na maaari lamang maisagawa kung lahat tayo ay tutulong ayon sa pagtawag sa atin ng Panginoon. Ang iba ay tinatawag upang magbigay ng maraming oras sa pagtuturo ng salita ng Diyos samantalang ang iba naman ay tinatawag paro tumulong sa iba’t ibang pamamaraan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Colossians 4:2-18).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit hindi naipapalaganap nang husto ang Mabuting Balita sa panahon natin ngayon?
2. Ano ang dapat natin gawin para mapalaganap nang husto ang Mabuting Balita?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea: “Kailangan para sa tagumpay natin sa ebanghelismo ang pagkakaisa.” (“Success in evangelism requires teamwork.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????
Listen on the following platforms:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil/live
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccphil
3. RLCC website - https://rlcc.ph/devotional
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS
6. RLCC on Audible - https://www.amazon.com/RLCC-Daily-Devotional/dp/B08K59N987
Note: If you have prayer needs, post them below. Thanks! #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil