DAILY DEVOTIONAL (4-27-2021)

22 Because of this oath, Jesus has become the guarantor of a better covenant. 23 Now there have been many of those priests, since death prevented them from continuing in office; 24 but because Jesus lives forever, he has a permanent priesthood. 25 Therefore he is able to save completely those who come to God through him, because he always lives to intercede for them. (Hebrews 7:22-25)

22 Dahil sa pagkakaibang ito, si Jesus ang siyang katiyakan ng mas mabuting tipan. 23 Bukod dito, kailangan noon ang maraming pari dahil namamatay sila at hindi nakakapagpatuloy sa panunungkulan. 24 Ngunit si Jesus ay buháy magpakailanman, kaya’t walang katapusan ang kanyang pagkapari. 25 Dahil dito, lubusan niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya’y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila. (Hebreo 7:22-25)

Paliwanag

Bakit hindi nararanasan ng karamihan sa atin ang tunay na pagpapala ng kaligtasan? Dahil tayo ay abala sa maraming bagay at hindi natin nabibigyan nang sapat na pansin o atensiyon ang Panginoong Jesus sa ating buhay. Ito ang paraan ng kaaway at ng mundong ito para hindi natin maranasan ang tunay na pagpapala ng kaligtasan. Kapag tayo ay abala at aligaga sa maraming bagay, hindi natin maririnig ang tinig ng Panginoon sa ating buhay. Kapag hindi natin Siya naririnig, hindi rin tayo makakatugon o makakasunod sa Kanyang kalooban para sa atin.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Hebreo 7:22-25).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Bakit hirap ang karamihan sa atin na magbigay ng pansin o atensiyon sa Panginoon?

2. Ano ang nangyayari kapag hindi natin nabibigyan ng pansin o atensiyon ang Panginoon sa ating buhay?

3. Paano mo mabibigyan ng lunas ang problema na ito sa iyong buhay?

Main Idea: “Ang susi para maranasan natin ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin kay Jesus.” (“The key to experiencing salvation is by paying attention to Jesus.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

Listen on the following platforms:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil/live
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccphil
3. RLCC website - https://rlcc.ph/devotional
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS
6. RLCC on Audible - https://www.amazon.com/RLCC-Daily-Devotional/dp/B08K59N987
7. RLCC on Twitter - https://twitter.com/rlccphil
8. RLCC Get Real App - https://app.rlcc.ph

Note: If you have prayer needs, go to https://m.me/rlccphil. Thanks! #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil