DAILY DEVOTIONAL (5-4-2021)

1 Lord, do not rebuke me in your anger or discipline me in your wrath. 2 Have mercy on me, Lord, for I am faint; heal me, Lord, for my bones are in agony. 3 My soul is in deep anguish. How long, Lord, how long? (Psalm 6:1-3)

1 O Yahweh, huwag mo akong sumbatan nang dahil lamang sa galit, o kaya’y parusahan kapag ika’y nag-iinit. 2 Ubos na ang lakas ko, ako’y iyong kahabagan, pagalingin mo ako, mga buto ko’y nangangatal. 3 Ang aking kaluluwa’y lubha nang nahihirapan, O Yahweh, ito kaya’y hanggang kailan magtatagal? (Awit 6:1-3)

Paliwanag

Walang may gusto ng pagdurusa. Kaya kapag ito ay nangyayari, lahat ay ginagawa natin para matakasan ito. Inaaliw natin ang ating sarili sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan para makalimot tayo sa ating pinagdaraanan. Ngunit ito ay hindi nakakatulong. Lalo lang tayo nalulugmok sa ating kalungkutan. Ang pinakamagandang lugar na dapat natin puntahan kapag tayo ay nagdurusa ay ang presensiya ng Diyos.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 6:1-10).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Kapag meron tayo nararamdaman na kalungkutan o pagdurusa, saan tayo pumupunta o ano ang ginagawa natin para maibsan ito?

2. Ayon sa napag-aralan natin sa Awit 6, ano ang dapat natin gawin o saan tayo dapat pumunta kapag tayo ay dumaraan sa ganitong pagsubok?

3. Ano ang gagawin mo simula ngayon para mapatupad ito?

Main Idea: “Ang pinakamagandang lugar na dapat mong puntahan kapag ikaw ay nagdurusa ay ang presensiya ng Diyos.” (“The best place to be when you’re suffering is the presence of God.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

Listen on the following platforms:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil/live
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccphil
3. RLCC website - https://rlcc.ph/devotional
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS
6. RLCC on Audible - https://www.amazon.com/RLCC-Daily-Devotional/dp/B08K59N987
7. RLCC on Twitter - https://twitter.com/rlccphil
8. RLCC Get Real App - https://app.rlcc.ph

Note: If you have prayer needs, go to https://m.me/rlccphil. Thanks! #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil