Episode 280 - Sacred Gatherings and Celebrations | Hebrews 10:23-25 (7-2-2021)
23 Let us hold unswervingly to the hope we profess, for he who promised is faithful. 24 And let us consider how we may spur one another on toward love and good deeds, 25 not giving up meeting together, as some are in the habit of doing, but encouraging one another—and all the more as you see the Day approaching. (Hebrews 10:23-25)
23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin. 24 Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon. (Hebreo 10:23-25)
Paliwanag
Hindi natin kaya magtagumpay bilang mga mananampalataya kung tayo ay nag-iisa. Ang mga Kristiano ay lalakas lamang nang magkasama kung sila magtatalaga sa isa’t isa. Kailangan natin ang mga kapwa mananampalataya para paalalahanan tayo sa tawag ni Cristo sa atin. Kaya, dapat natin pahalagahan ang ating mga pagtitipon sa anumang paraan, maging pisikal o online.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Hebreo 10:19-25).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang relasyon ng tibay ng ating pananampalataya sa pagtatalaga natin sa komunidad ng mga mananampalataya?
2. Paano natin mapapahalagahan ang pagtatalaga natin sa isa’t isa sa komunidad ng mga mananampalataya?
3. Ano ang gagawin mo para ito ay mapatupad sa iyong buhay?
Main Idea: “Ang mga Kristiano ay lalakas nang magkasama kung sila magtatalaga sa isa’t isa.” (“Christians are stronger together if they are committed to each other.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.
#churchonline #rlccphil #biblestudy