#gospelofluke #tandaanmoito #gerekoreadings

Luke 11:1-13 Katuruan Tungkol sa Pananalangin
1 Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siya'y matapos, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” 2 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo, ‘Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. 3 Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw. 4 At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso.’” 5 Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay nating isang hatinggabi, isa sa inyo'y nagpunta sa isa ninyong kaibigan at nakiusap, ‘Kaibigan, pahiram muna ng tatlong tinapay. 6 Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ 7 At ganito naman ang sagot ng kaibigan mong nasa loob ng bahay, ‘Huwag mo akong gambalain! Sarado na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makakabangon para bigyan ka ng kahit ano.’ 8 Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagiging magkaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. 9 Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 10 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 11 Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda? 12 Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog? 13 Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!



Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UCkvevsFMSOb99evZf-D0NDg/join
FB Account
https://www.facebook.com/gerry.eloma
Hopefully you've learned a lot in my Video and You're happy when my Uploaded video is pretty Good Vibes and if there are Lessons i Hope.

Hopefully you also liked my Uploaded Videos with Music.
Hopefully you also liked the way my cooking uploaded.

Many Thanks to Constantly Watching my Videos
Don't forget to Leave a Comment and Subscribe to My Channel