Ngayong panahon ng pandemya at iba't ibang pang mga kaganapan sa daigdig. Marami ang nagkakaroon ng pang-unawa na ang buhay ay pansamantala at maiksi lamang. Subalit, paano natin gagamitin ang buhay na patuloy na ipinapahiram sa atin ng Diyos?
Sinabi rin sa
Mangangaral 7:4 Mangmang ang isang taong nag-iisip ng kasayahan, Ngunit matalino ang isang taong naghahanda sa kamatayan.

Alin ka sa dalawang ito? Mangmang o Matalino?

Efeso 5:15-16
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.