#gospelofluke #tandaanmoito #gerekoreadings

Luke 12:13-21 The parable of the rich fool / Ang Mayamang Hangal

13 Sinabi kay Jesus ng isa sa mga naroroon, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na paghatian namin ang aming mana.” 14 Sumagot siya, “Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?” 15 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.” 16 Pagkatapos, isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga. “Isang mayaman ang umani nang sagana sa kanyang bukirin. 17 Kaya't nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayon? Wala na akong paglagyan ng aking mga ani! 18 Alam ko na! Ipagigiba ko ang aking mga kamalig at magpapatayo ako ng mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ibang ari-arian. 19 Pagkatapos, ay sasabihin ko sa aking sarili, marami ka nang naipon para sa mahabang panahon. Kaya't magpahinga ka na lamang, kumain, uminom, at magpakasaya!’ 20 “Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabi ring ito'y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong sarili?’ 21 Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”


Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UCkvevsFMSOb99evZf-D0NDg/join
FB Account
https://www.facebook.com/gerry.eloma
Hopefully you've learned a lot in my Video and You're happy when my Uploaded video is pretty Good Vibes and if there are Lessons i Hope.

Hopefully you also liked my Uploaded Videos with Music.
Hopefully you also liked the way my cooking uploaded.

Many Thanks to Constantly Watching my Videos
Don't forget to Leave a Comment and Subscribe to My Channel