#gospelofmatthew #tandaanmoito #gerekoreadings

Matthew 11:
2 Nakabilanggo na noon si Juan na Tagapagbautismo. Nabalitaan niya ang mga ginagawa ni Cristo kaya't nagsugo siya ng ilang mga alagad
3 upang itanong, “Kayo po ba ang ipinangakong darating, o maghihintay pa kami ng iba?”
4 Sumagot si Jesus, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang inyong naririnig at nakikita.
5 Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.
6 Pinagpala ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!”
7 Nang paalis na ang mga alagad ni Juan, nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan, “Bakit kayo nagpunta sa ilang? Ano ang nais ninyong makita? Isa bang tambo na hinihipan ng hangin?
8 Bakit kayo pumunta sa ilang? Para makita ang isang taong may mamahaling kasuotan? Ang mga nagdaramit ng ganyan ay nasa palasyo ng mga hari!
9 Ano nga ba ang nais ninyong makita? Isang propeta? Oo, siya'y propeta. At sinasabi ko sa inyo, siya'y higit pa sa isang propeta.
10 Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng kasulatan, ‘Ipadadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.’
11 Tandaan ninyo: higit na dakila si Juan na Tagapag Bautismo kaysa sinumang isinilang sa daigdig, ngunit ang pinakahamak sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa kanya.

Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UCkvevsFMSOb99evZf-D0NDg/join
FB Account
https://www.facebook.com/gerry.eloma
Hopefully you've learned a lot in my Video and You're happy when my Uploaded video is pretty Good Vibes and if there are Lessons i Hope.

Hopefully you also liked my Uploaded Videos with Music.
Hopefully you also liked the way my cooking uploaded.

Many Thanks to Constantly Watching my Videos
Don't forget to Leave a Comment and Subscribe to My Channel