KAHALAGAHAN NG KARUNUNGAN
Proverb 1:1-7
Ipinapakita sa video na ito ang kahalagahan ng wisdom sa isang tao.Ang wisdom ay nakukuha sa experience at mga situwasyon o pangyayari sa buhay ng isang tao,kaya ang aklat ng proverb ay naisulat ni haring Solomon para pagkuhanan ng aral at karunungan at insight sa pamumuhay kristiano.

The Beginning of Knowledge
Pro 1:1 Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel
Pro 1:2 Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;
Pro 1:3 Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;
Pro 1:4 Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:
Pro 1:5 Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:
Pro 1:6 Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.
Pro 1:7 Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.